Mordoth
Disciple of Prayer
I started living for Jesus when I was 15 years old. Na invite lang po ako sa isang Bible study until naging regular sa church, nag join ng Encounter hanggang na belong sa tinatawag nilang cellgroup. Nung una, nahihirapan akong mag submit sa leader ko, kasi hindi pa kami nakapag build ng connection at sa cell ako yung palaging pasaway, nung tinatawag nilang “black sheep” kung baga. Ako yung type na disciple na kailangan ng intentional na pag follow up kasi di ako consistent dati. Pag dumating na yung araw ng cellgroup namin e off ko yung phone ko, cos I know na mag me’message na naman yung leader ko and ask me to join sa cellgroup. Ako yung type na disciple na kung ayaw, ayaw ko talaga at pag gusto, gusto nmn. Akala ko dati di ako magtatagal sa church, kasi ang hirap pala maging Kristyano, feeling ko lahat nlng bawal. Pakiramdam ko dati si Leader yung nag decide para sa akin, halos lahat ng gawin mo dapat updated siya. Mula Lunes hanggang linggo dapat alam niya kung ano yung mga activities mo. Akala ko wala na syang nakitang tama, akala ko e ju-judge niya ako palagi. Pero lahat ng “AKALA” ko’y nabigyang linaw nung naintinan ko na kung ano ang halaga ng cellgroup at yung Spiritual Leader ko bilang isang Kristyano. Nagbago ang lahat nung naintindihan ko ang role nila sa buhay ko. Sila yung taong tumutulong sa akin na mag grow ako kay Lord. Sila yung taong hindi mag give up sakin kahit pagod na’ko. Sila yung mga taong nag bi’bring out sa potential ko. Then, I realized na ang sarap pala pag may Spiritual Leader na nagmamahal sayo, na kayang gawin ang lahat mapalapit ka lang kay Lord. Yung leader na always available pag kailangan mo nang kausap, yung leader na always nag encourage sayo kung pagod kana, yung cell leader na kahit ilang beses kapang nadapa patuloy paring naniniwala na kayang mong bumangon ulit, yung spiritual leader na tanggap ka ng buong buo at mag co’correct sayo dahil mahal ka niya at gusto niyang magpatuloy ka kay Lord. Ngayon isa napo akong Cell Leader at patuloy na tumutulong sa ibang young people in finding their way back to God. Hindi man madali maging leader because you have to invest your time, your effort, your money, your energy and your life. Pero di ako nag stop because I know that oneday e rereward ako ni Lord. So sa mga Cell Leaders dyan, alam ko minsan nahihirapan kana. Alam ko minsan nasabi mong “bakit ko pa kailangan mag’lead?”. Alam ko minsan pakiramdam mo binabaliwala kalang nila. Alam ko minsan you’re tempted to think na sana’y di nalang ako naging leader. Hindi nmn talaga madali mag lead, si Jesus nga deni-deny ni Peter at beni-betray ni Judas, pero gayun pamn patuloy parin syang nag serve sa kanila kahit alam Niya that eventually those disciples will betray and deny Him. Same goes with our disciples, so never stop praying for them. Never stop serving them and believing that one day they will become a disciple maker. Never stop pursuing them kahit ilang beses kapang na seenzoned, na inboxzoned or na likezoned. Never give up on them, pag may mag-give up man sa inyo.. sila yon, hindi ikaw. Nakapagod man minsan pero dapat magpatuloy kapa rin because your labor is not in vain and one day you’ll reap the harvest if you do not give up. At sa mga cell members dyan or nga future leaders, mahalin mo yung cell leader mo hanggang nili-lead ka pa niya. Tao parin yan, napapagod at nasasaktan. - Ryan Magsino